Ang Hayop Ni Noah
Tapos na ang baha. Isa-isa nang lumabas ang mga hayop mula sa arko. Napansin ni Noah ang dalawang ahas na magkalingkis sa isang sulok.Tanong ni Noah, "O! Ba't di pa kayo bumaba. Sige na! Humayo at magparami!"
"Lolo Noah, hindi po puede," sagot ng mga ahas.
"At bakit?" tanong muli ni Noah.
"Pareho kaming lalaki," pangangatuwiran ng dalawang ahas.
Good Chemistry
"Mare, kumusta anak mong bagong kasal?"
"Mabuti naman. Swerte ng anak ko. Mabait at masipag ang napangasawa niya. Lahat siya ang gumagawa sa bahay -- laba, luto, linis."
"Ah, ganoon ba!"
"Buti ka pa. Ang anak ko, malas. Ang tamad kasi ng napangasawa niya. Siya lahat ang laba, luto, at linis sa bahay."
Toothpaste Na Lang, Doc
Dentist: Araw-araw, linisin mo pustiso mo. Hindi naman kailangang toothpaste. Puede na yun dishwashing liquid. Safe yun dahil yun naman ang pinanghuhugas sa kinanan natin.
Pasyente: Toothpaste na lang, doc. Pag toothpaste kasi, pakiramdam ko may ipin ako. Pag dishwashing liquid, pakiramdam ko may plato ako sa bibig.
Suklayin Mo, Baby
Teacher sa estudyante: Caloy, bakit ba lagi magulo yan buhok mo. Malakas ba hangin sa labas?
Caloy: Walo po akong suklay, titser.
Teacher: Eh, ang tatay mo?
Caloy: Wala pong buhok, ma'am.
Iskwakwa
Sa isang public school.
Teacher na na-imbyerna sa isang estudyante: Herminihildo, upo! Ang gulo-gulo mo. Para kang batang iskwater.
Sumagot ang batang estudyante: Ma'am, iskwater po talaga ako.
Comments
Post a Comment