Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2018

Paano Magwawakas Ang Ika-6 Na Utos?

Sa mga drama sa TV, paulit-ulit nang namatay ang mga kontrabida sa mga ganitong paraan. Sumabog ang kotse o ang bahay. May ilan na sumabog sa yate. Bihira ito dahil mahal ang yate. Nasunog ang bahay o ang kotse. Nasagasaan ng tren, kotse, bus. Kulang na lang masagasaan ng eroplano. Nahulog sa bangin, sa bintana, sa tuktok ng gusali. Minsan, mahulog naman sa air balloon para maiba naman. Sinaksak, binaril, nilason. Nagpakamatay. Nilagyan ng pampasabog sa katawan. Dinukot at pinatay. Para maiba naman ~ Itinulak si Giorgia sa MRT o LRT. Kung sino man ang tumulak, abangan sa susunod na kabanata. Kakampi ba siya o kalaban? Aksidente ba o gawa-gawa lamang? Nalunod si Giorgia sa bath tub. Bihira ang may bath tub sa Pilipinas kaya bihira itong mangyari. Nalunod ba siya o nilunod? Bihirang maging martir ang kontrabida dahil hindi niya isasakripisyo ang buhay niya alang-alang sa iba. Sa karakter ni Giorgia, malabong mangyari ito. Puwera na lang kung magkunwari siyang nagpakama