Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2012

Protege Season 2: The Battle For The Big Artista Break

It's season 2 of Protege. Season 1 looked for singing talents. This time, an artist who can act, sing, and dance. Protege 2 seems to replace the Starstruck series which had the same purpose. Who deserves to win the 12-million peso prize? Higit sa lahat, ang may karapatang manalo ay yung kayang tumabo sa takilya at humataw sa TV ratings . Hindi sapat ang ganda ng mukha, kailangang may angking kahusayan sa pagganap sa pelikula o telebisyon. Bagama't malaking tulong, pangalawa lamang ang kahusayan sa pag-awit o pag-sayaw. Sa kabilang banda, dahil lahat sila'y baguhan, hindi sapat ang kahusayan lamang. Kailangan ay may angking ningning at ganda na siyang pang-akit sa madla. Ang tao ay tumutugon at unang naaakit sa kanyang nakikita. Pangalawa, ang tao ay sunod na naaakit sa damdamin ng kanyang nakikita. Kaya naman sa larangan ng pangangalakal, upang maka-akit ka ng mamimili, ang isang visual artist ay gumagamit ng sikolohiyang panglarawan at emosyonal ( visual-emotio