Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2017

Pinoy Jokes - Pinoy Humor Compilation

Ang Hayop Ni Noah Tapos na ang baha. Isa-isa nang lumabas ang mga hayop mula sa arko. Napansin ni Noah ang dalawang ahas na magkalingkis sa isang sulok. Tanong ni Noah, "O! Ba't di pa kayo bumaba. Sige na! Humayo at magparami!" "Lolo Noah, hindi po puede," sagot ng mga ahas. "At bakit?" tanong muli ni Noah. "Pareho kaming lalaki," pangangatuwiran ng dalawang ahas. Good Chemistry "Mare, kumusta anak mong bagong kasal?" "Mabuti naman. Swerte ng anak ko. Mabait at masipag ang napangasawa niya. Lahat siya ang gumagawa sa bahay -- laba, luto, linis." "Ah, ganoon ba!" "Buti ka pa. Ang anak ko, malas. Ang tamad kasi ng napangasawa niya. Siya lahat ang laba, luto, at linis sa bahay." Toothpaste Na Lang, Doc Dentist: Araw-araw, linisin mo pustiso mo. Hindi naman kailangang toothpaste. Puede na yun dishwashing liquid. Safe yun dahil yun naman ang pinanghuhugas sa kinanan natin. P...

Reality TV Winners: How Are You Taxed?

Tila labanan ng mga kabataan na nais maging milyonaryo. Dalawumpung milyong pisong gantimpala mula sa Artista Academy (ABC5) at labing-dalawang milyong piso naman mula sa Protege: The Battle For the Big Artista Break . Kung sino man ang manalo, tiyak wagi din ang kani-kaniyang tagapamahala (talent manager). Sa 40%, walong milyon din ito na maaaring mapunta sa talent manager . Kung buwis ang pag-uusapan, nararapat lang na magbayad din ang tagapamahala ng karampatang buwis. Sa kabilang banda, ang isang gantimpala mula sa patimpalak ay hindi maaaring ituring na professional fee na kung saan ang tseke ay kailangang ipangalan sa talent manager . Kung ang tagapamahala ay hihingi ng balato, halimbawa 40%, nararapat lang na karkulahin ito matapos ibawas ang buwis. Gayunpaman, hindi pa rin ito matuwid sa kadahilanang binalikat nang buo ng nanalo ang karampatang buwis. Halimbawa, sa 10 milyon na gantimpala, kung ang buwis ay 20%, ang kinaltas na buwis ay 2 milyon. Walong milyon ang ini-uwi ...