Sa mga drama sa TV, paulit-ulit nang namatay ang mga kontrabida sa mga ganitong paraan.
Hayaan nating makatakas si Giorgia at magtagô sa ibang bansa, halimbawa, sa Israel kung saan hindi kailangan ang visa para makapasok sa bansa. Sa kasamaang palad, pagkalipas ng ilang buwan, ikinulong siya ng mga otoridad at hinatulan ng kulong habang-buhay sa salang pagpatay, na sa kauna-unahang pagkakataon, ay hindi siya ang may sala.
Sa piitan, bagama't nakakulong, hindi siya nawalan ng pag-asang makalaya.
Lumipas ang limang taon. Makikitang isang magandang babae ang naglalakad sa NAIA. Siya si Evangeline - isang pilantropo.
Ano ang lihim ni Evangeline? At nasaan si Giorgia?
Abangan...
- Sumabog ang kotse o ang bahay. May ilan na sumabog sa yate. Bihira ito dahil mahal ang yate.
- Nasunog ang bahay o ang kotse.
- Nasagasaan ng tren, kotse, bus. Kulang na lang masagasaan ng eroplano.
- Nahulog sa bangin, sa bintana, sa tuktok ng gusali. Minsan, mahulog naman sa air balloon para maiba naman.
- Sinaksak, binaril, nilason.
- Nagpakamatay.
- Nilagyan ng pampasabog sa katawan.
- Dinukot at pinatay.
Para maiba naman ~
- Itinulak si Giorgia sa MRT o LRT. Kung sino man ang tumulak, abangan sa susunod na kabanata. Kakampi ba siya o kalaban? Aksidente ba o gawa-gawa lamang?
- Nalunod si Giorgia sa bath tub. Bihira ang may bath tub sa Pilipinas kaya bihira itong mangyari. Nalunod ba siya o nilunod?
- Bihirang maging martir ang kontrabida dahil hindi niya isasakripisyo ang buhay niya alang-alang sa iba. Sa karakter ni Giorgia, malabong mangyari ito. Puwera na lang kung magkunwari siyang nagpakamartir. 'Yun pala, may balak siyang maghiganti sa ibang araw
Success Ng Ika-6 Na Utos
Successful ang Ika-6 na Utos. Mataas ang ratings nito. Halô ang nararamdaman ng mga manonood. Gusto pa nilang manood nguni't ayaw nilang pahabain pa ito. Nasasabik na sila sa pagwawakas ni Giorgia nguni't sana'y may karugtong pa.
Paano mo gustong matapos ang Ika-6 Na Utos, 'yung malayo sa nagawa na nang ilang-beses?
Nasaan si Giorgia?
Ganito ko gustong matapos ang Ika-6 Na Utos - 'yung may cliffhanger, bitin o may pag-aagam-agam.
Bawa't tao'y may kahinaan o takot. Ano ba ang kahinaan ni Giorgia? Ano ang sukdulang kinatatakutan niya?
Ang karakter ni Giorgia ay takot magkasakit na magdudulot ng kamatayan. Nanaisin pa niyang mamatay nang lumalaban kaysa lamunin siya ng isang terminal na sakit tulad ng kanser.
Hindi siya matatakot na makulong habang-buhay o hatulan ng bitay. Ang para sa kaniya, hangga't buhay siya, may pag-asa kahit pa nasa piitan siya.
Sa piitan, bagama't nakakulong, hindi siya nawalan ng pag-asang makalaya.
Lumipas ang limang taon. Makikitang isang magandang babae ang naglalakad sa NAIA. Siya si Evangeline - isang pilantropo.
Ano ang lihim ni Evangeline? At nasaan si Giorgia?
Abangan...
Comments
Post a Comment