Upang di madismaya ang mga tao, kailangang i-level up ng Eat Bulaga ang pagtatagpo nina Alden at YayaDub. Huwag naman sanang abutin ng isang taon ang pagbitin sa kanilang pagkikita. Kung hindi, magsasawa ang kanilang mga taga-sunod, unti-unting tatamlay ang mainit na tambalang Alden at YayaDub.
Tanggapin natin na hindi ito puedeng forever. All good things come to an end. What is challenging ay kung paano mapananatili ang kakiligan ng tambalang Aldub.
Noong Huwebes, bigo ang mga tao sa paghihintay sa pagtatagpo nina Aldub. Maraming idle moments sa segment. Calculated ang mga kilos. Halatang naghihintay ng instructions sa staff. At mukhang kailangang mag acting workshop si YayaDub. Sana gumamit ng triggers ang Eat Bulaga para naging mas exciting ang mga eksena na parang reality TV ang dating. Ang isang trigger point ay isang hudyat na itigil ang isang activity para i-akto agad ang susunod ng sequence.
Here's how it should have been done para naging fluid sana ang takbo ng live eksena.
Sponsored |
Tanggapin natin na hindi ito puedeng forever. All good things come to an end. What is challenging ay kung paano mapananatili ang kakiligan ng tambalang Aldub.
Noong Huwebes, bigo ang mga tao sa paghihintay sa pagtatagpo nina Aldub. Maraming idle moments sa segment. Calculated ang mga kilos. Halatang naghihintay ng instructions sa staff. At mukhang kailangang mag acting workshop si YayaDub. Sana gumamit ng triggers ang Eat Bulaga para naging mas exciting ang mga eksena na parang reality TV ang dating. Ang isang trigger point ay isang hudyat na itigil ang isang activity para i-akto agad ang susunod ng sequence.
Here's how it should have been done para naging fluid sana ang takbo ng live eksena.
- Trigger point: Nang mapuno ni Alden ang dunk pool ng tubig, ito'y hudyat sa stage na kumalembang ang orasan at i-play ang video ni Wally-Witch. Hudyat rin ito kay Alden na agad na tumakbo patungo sa stage, na siya namang pipigilan ni Lola Nidora.
- Trigger point: Nang kumalembang ang orasan, hudyat ito para sa mga voluptuous step sisters na itaboy si YayaDub out of the stage.
- Trigger point: Ang pagtaboy kay YayaDub out of the stage ay hudyat para tumakbo siya palabas ng studio para anumang oras na dumating si Alden sa stage ay naka-alis na si YayaDub.
- Trigger point: Sa pagdating ni Alden sa stage, emote-emote muna. Hahawi ang mga nakaharang ng mga dabianang step sisters - pahiwatig ito na si YayaDub ay nag-exit na ng stage. Ito ay hudyat kay Alden na tumakbo palabas ng studio para habulin si YayaDub.
Paano ninyo gustong magtagpo sina Alden at YayaDub?
The supposedly meeting at the wedding did not push through dahil hinimatay si YayaDub. On the day YayaDub was to perform in the studio, hindi rin sila nagkatagpo. That day killed the enthusiasm of #kalyeserye followers. To switch back the enthusiasm, what creative and effective way na puede silang pagtagpuin. Should it be something comedic, musical, dramatic, or romantic?
Let's reinvent something.
Currently, Alden is subjected to a series of challenges. Hanggang kailan? Hanggang forever? No way! That's already capitalism. Looks like the character of Lola Nidora is going to die. So, what's next?
How about this one.
Agosto Ika-3 Linggo
Sabado. Dineport si YayaDub. Pinauwi ito sa probinsiya - sa Batanes. Lulan ng bus, nag-eemote si YayaDub dahil hindi na niya makikita si Alden. Nabalitaan ni Alden ang kanyang pag-alis kaya't madali itong hinabol ang oras. Kailangang makarating siya sa estasyon ng bus bago mahuli ang lahat. Ang hindi niya alam, sa Batanes ang punta ni YayaDub. Dapat sa paliparan siya nagtungo.
Lulan na ng eroplano si YayaDub. Sa estasyon ng bus, napaluhod si Alden. Lungkot na tumutulo ang mga luha. Hindi na niya makikita si YayaDub.
Agosto Ika-4 na Linggo
Sa Batanes, patanaw-tanaw lang si YayaDub sa kalayuan. Muli't-muli, naiisip si Alden. Magkita pa kaya sila? Sa Maynila, lungkot na di mapanaw-panaw ang tuwina'y nararamdaman ni Alden. Nasaan na kaya si YayaDub? Ang sapatos!
Ang sapatos as maaaring susi sa kinaroroonan ni YayaDub. Buong linggo, nagbahay-bahay si Alden. Kumakatok at tinataong kung may nakatirang yaya sa bahay. Sa bawat bahay, iba't ibang klaseng yaya ang lumalabas at nagsusukat ng sapatos. May payat, may mataba, may maliit, may malaki. May pangit, may maganda. May babae, may hindi-babae.
Sabado. Sa huling bahay na kinatok ni Alden, sakto ang sapatos sa isang yayang lumabas. Maganda ito ngunit hindi ito si YayaDub. Siya as si Yaya Pat - ang babaeng laging may binabating may kaarawan. Si Yaya Pat na kaya ang papalit kay YayaDub?
Setyembre. Unang Linggo
Sino si Yaya Pat? Sino ang taong nasa likod ni Yaya Pat? Si Frankie? Si Lola? Tila si Yaya Pat ay gagamitin upang tuluyan nang magkahiwalay si Alden at YayaDub.
Sabado. Napagtanto ni Alden na si Yaya Pat ay kasangkapan nina Lola at Frankie. Nalaman rin niya na sa Batanes ipinatapon si YayaDub. Dagli-dagli, nagpunta ito sa paliparan upang pumunta sa Batanes. Ngunit, walang tao, kahit isa siyang nadatnan sa paliparan. Wala ring eroplano kahit isa. Anong nangyayari? Sa gitna ng isang malawak na runway, nagtatanong ang isipan ni alden. Nasaan ang lahat?
Sa di kalayuan, isang babae ang patungo sa kanyang kinaroroonan. Yabag lamang ng mga takong ang maririnig. Mataas ang takong ng pulang stiletto ng babae. Sino kaya ang babaeng ito?
Setyembre. Ika-2 Linggo
Nakakulong si Alden sa isang madilim na silid. May benda ito sa ulo. May mga pasa sa braso, gilid ng katawan at dibdib. Mga misteryosang kamay na may mapupulang kuko ang humahagod sa mukha at katawan ni Alden. Pinupunasan niya ito. Inaalagaan. Pinapagaling.
Lumilipas ang linggo at unti-unting gumagaling na ang walang malay na katawan ni Alden.
(Samantala, di nagpapakita si YayaDub. Absent muna siya dahil kailangan niyang mag-training sa isang acting workshop. Kailang mawalay siya sandali upang ma-miss siya ng kanyang mga follower.)
Sabado. Nagka-ulirat na si Alden. Makikilala na niya kung sino ang babaeng tumulong at nag-alaga sa kaniya. Maganda ang babae. Pang beauty queen. Precious ang pangalan niya. Subalit, totoo kayang babae siya?
Setyembre. Ika-3 Linggo
Iba't ibang paraan ang ginawa ni Alden upang makatakas siya sa mga kamay ni Precious.
Sabado. Nakakuha ng pagkakataon na makatakas si Alden sa hideout ni Precious. Wala siyang inaksayang oras. Naligo. Nagpalit ng damit. Nag-impake. Dala-dala ang backpack, nagtungo ito sa paliparan. At sa wakas, nakasakay din siya sa eroplano. Patungo na siya sa Batanes. Magkikita na sila ni YayaDub.
Setyembre. Ika-4 na Linggo
Lunes. Sa Batanes, walang humpay ang paghahanap ni Alden kay YayaDub.
Martes. Naisipan ni Alden na magbisikleta sa coastal bridge. Sa kanyang pagbibisikleta, di niya napansin ang isa pang bisikleta na pasalubong sa kanya sa kabilang hanay ng daan. Si YayaDub ang lulan nito. Sayang di sila nagkita.
Miyerkules. Sa isang tindahan na kung saan bawal ang mga taong pasaway, bumibili ng suka't toyo si YayaDub. Sa di kalayuan, parating naman si Alden upang bumili ng kape't gatas. Pagpasok ni Alden sa tindahan, naka-alis na si YayaDub. Sayang naman. Di sila nagkita.
Huwebes. Sa isang lumang bahay na bato sa Batanes, pa-emote-emote at pa-dubsmash-dubsmash si YayaDub. Gayon din si Alden. Wari'y nagsasagutan sila ng dubsmash. Yun lamang, nasa magkaibang bahay na bato ang dalawa. Muli, di sila nagkita.
Biyernes. Nakatanaw sa dagat si Alden mula sa isang burol. Tila nalulungkot at nawawalan na ng pag-asang makita si YayaDub. Dalangin niya na sanay gabayan siya ng mga anghel sa langit. Sa di kalayuan, nagtatampisaw naman si YayaDub sa dalampasigan. Si Alden pa rin ang nasa isip niya.
Sa luntiang burol, nahiga si Alden na nakatanaw sa kalangitan. Isang balahibong puti, na tila galing sa isang pakpak ang namasid niyang naglalaro sa hangin. Kasabihan ng matatanda, ito raw ay galing sa pakpak ng isang anghel. Pag ito raw ay nakuha mo, anuman ang hilingin mo sa anghel na nagmamay-ari ng balahibo ng pakpak ay tiyak na matutupad. Manampalataya ka lamang.
Sabado. Sa paanan ng parola, subsob ang ulo ni Alden sa kanyang mga tuhod. Lubos na umaagos ang kanyang mga luha. Bigo siyang makita si YayaDub. At sa araw na iyon ay kailangan na niyang lisanin ang Batanes at bumalik sa Maynila. Sa kanyang pagtayo, hinayaan niyang tangayin ng malakas na hangin ang puting balahibo sabay sabi ng "Paalam!" Sa kanyang pagpihit, isang maamong mukha ang tumambad sa kaniya. Si YayaDub!
Comments
Post a Comment