It's season 2 of Protege. Season 1 looked for singing talents. This time, an artist who can act, sing, and dance. Protege 2 seems to replace the Starstruck series which had the same purpose.
Who deserves to win the 12-million peso prize?
Who deserves to win the 12-million peso prize?
Higit sa lahat, ang may karapatang manalo ay yung kayang tumabo sa takilya at humataw sa TV ratings. Hindi sapat ang ganda ng mukha, kailangang may angking kahusayan sa pagganap sa pelikula o telebisyon. Bagama't malaking tulong, pangalawa lamang ang kahusayan sa pag-awit o pag-sayaw. Sa kabilang banda, dahil lahat sila'y baguhan, hindi sapat ang kahusayan lamang. Kailangan ay may angking ningning at ganda na siyang pang-akit sa madla. Ang tao ay tumutugon at unang naaakit sa kanyang nakikita. Pangalawa, ang tao ay sunod na naaakit sa damdamin ng kanyang nakikita. Kaya naman sa larangan ng pangangalakal, upang maka-akit ka ng mamimili, ang isang visual artist ay gumagamit ng sikolohiyang panglarawan at emosyonal (visual-emotional psychology) na kung saan nilalaro niya ang tugon ng mata at damdamin.
Sa ibang punto, ang Protege ay isa ring pamumuhunan. Kung ika'y susugal sa isang produkto o proyekto, kailangang mabawi mo ang iyong pinuhunan.
Kaya't bukod sa ganda ng mukha at kahusayan sa sining bilang panuntunan sa pagpili ng magwawagi, kailangang isa-alang-alang din ang kalamangan o potensyal sa pagtabo sa takilya at pag-angat sa TV ratings kung sakali siya ay bigyan ng pelikula o palabas sa telebisyon.
Halimbawa na lang sa Starstruck na kung saan nanalo si Jennylyn Mercado. Tila nahigitan na ni Kristine Reyes si Jennylyn kung kasikatan ang pag-uusapan. Kung inyong natatandaan, si Kristine ang unang natanggal sa Starstruck.
Comments
Post a Comment