6.05.2012

"Makapiling Kang Muli" Review

Patalastas-Hikayat (TV Plug)



Impressive TV plug. Shot using a wide screen format, the cinematography was cinematic. GMA Network is good in creating TV plugs, not only in the entertainment field but also in its news and public affairs. Kaya naman, sino ang hindi maiinganyong panoorin ang pilot episode ng "Makapiling Kang Muli."


Panimulang Kabanata (Pilot Episode)

The pilot episode of "Makapiling Kang Muli" (aired 4 June 2012) is not exactly beyond my expectations. I was expecting na wide screen ang picture format nito. So far, maganda ang takbo ng kuwento. The pacing, editing, and cinematography satisfied my creative cravings. Isang napakaliit na bagay lang ang napuna ko - ang pagsabog ng chopper sa malayuan. Medyo hindi realistic ang dating.

Sana, the substance of this drama series remain robust till the end. Napupuna ko kasi sa mga drama series, sa umpisa lang maganda. Towards the middle until the end, nawawala na ang substance ng kuwento. Nagiging sabog at mabagal ang takbo ng kuwento at nagiging inconsistent ang characterization. Dahil doon, kinatatamaran ko nang sundan ang mga kabanata. At least, I save my electricity for not watching TV.

What makes the substance of a drama series deteriorate?

Ratings. Not exactly poor ratings. Tatlo lang naman silang naglalaban sa same time slot. So, the drama series is either 1, 2, or 3. If the drama falls (just) second, the writers will try to landscape the series para pumatok sa manonood. When the writers re-write the story, nasa-sacrifice ang substance nito.

Take for example "My Beloved" and "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang". These drama series started impressive. In fact, I liked them. Pero nang baguhin ng mga writers ang takbo ng kuwento to cater to a wider "masa" audience, naging corny na (para sa akin) ang takbo ng kuwento.

It is my belief, hindi por que't pang-masa ang isang palabas, kailangan siyang maging baduy. But I cannot blame the networks. It's their money. They have to reap a generous ROI.


Mga Gumaganap (Cast)

"Makapiling Kang Muli" is top billed by Richard Gutierrez, Mark Anthony Fernandez, Carla Abellana, Sarah Lahbati, and Ms. Gloria Romero. Others in the cast are Rio Locsin, Mark Gil, Dominic Roco, Jestoni Alarcon, Mark Gil. Pilot guests were Jennylyn Mercado, James Blanco, Dex Quindoza, Gabby Eigenmann, Jestoni Alarcon, and Ms. Lani Mercado.

Jennylyn Mercado

Mahusay ang pagganap ni Jennylyn Mercado. Sa mga eksenang wala siyang dialogue, kita sa kanyang mga facial expressions ang gusto niyang ipahiwatig. For me, more than the dialogue, the facial expression is more important. Actors do not have to howl when they cry just to project sadness. They do not have to shout to project anger. Mag gusto ko ang mga acting na less dialogue but rich in actions, expressions, and suggestive screen shots because I like to think when I watch. I like my brain to be challenged rather than my emotions to react on the lifeless boob tubes predecessor.

Dex Quindoza

I think Dex Quindoza is an actor to watch. Mahusay at natural ang kanyang pag-arte. He looks good on TV because of his facial bone structure. Bihira sa mga artistang lalaki ang may magandang masculine bone structure. Maganda rin ang stance niya - hindi awkward ang dating.

Behind The Lens andThe Pen

The men behind the pen are Des Garbes - Severino, Rona Sales, Jules Katanyag, and John Kenneth de Leon. Ricky Davao directs.

Impressive writing and directing, so far. I will have to wait and see what happens towards the middle. Hahaba ba ang episodes kapag mataas ang rating? Mapapanatili ba nilang maganda ang kuwento if they stretch the episodes?

No comments:

Post a Comment